Articles of Impeachment pinababasura ng kampo ni VP Sara
MANILA, Philippines — Nagsumite na kahapon ng sagot sa impeachment court ang kampo ni Vice President Sara Duterte kung saan ipinababasura nila ang apat na Articles of Impeachment.
Limang maleta na naglalaman ng pormal na sagot sa Articles of Impeachment ang dala ng abogado ni Duterte na si Atty. Michael Poa.
Ayon kay Poa, bahagi ng isinumite nilang sagot ang pagkuwestyon sa constitutionality ng isinampang kaso laban sa bise presidente. Iginiit ng kampo ni Duterte na dapat i-dismiss ang kaso.
Pero tumanggi si Poa na magbigay ng ibang detalye sa isinumiteng sagot sa impeachment court.
Nagtapos noong nakaraang Sabado ang deadline para magbigay ng sagot ang kampo ni Duterte pero dahil sa walang sesyon pinalawig ito hanggang kahapon, Lunes.
Ayon pa kay Poa, binigyan muna nila ng kopya ng sagot ang House of Representatives bago sila nagtungo sa Senado.
- Latest

















