‘Domeng’ lumalakas
MANILA, Philippines — Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang dating Low Pressure Area na tatawaging Bagyong Domeng.
Alas-11 ng umaga kahapon, si Domeng ay namataan ng Pagasa sa layong 1,265 kilometro silangan ng Southeastern part ng Luzon. Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 85 km bawat oras at pagbugso na 105 km bawat oras.
Sa susunod na 24 oras, si Domeng ay hindi gaanong direktahang makakaapekto sa bansa pero may dalang bugso ng hangin at malakas na pag-ulan sa kanlurang bahagi ng bansa simula ngayong Linggo, May 31.
Patuloy na lalakas si Domeng at maaabot ang typhoon category ngayong Sabado, May 30 sa Philippine Sea. Lalabas ng PAR si Domeng sa Lunes, Hunyo 1. (
- Latest

















