^

Bansa

Robin: Mag-sorry ka!

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Robin: Mag-sorry ka!
Senator Robin Padilla speaks during the Senate plenary session on May 13, 2026.
STAR / Ryan Baldemor

Kiko: Reklamo ka na lang sa Ethics

MANILA, Philippines — Hindi pinagbigyan ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan ang gusto ni Sen. Robin Padilla na mag-sorry siya matapos silang magkainitan sa session hall ­kamakalawa, habang tinatalakay ang isyu ng warrant of arrest laban kay Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa.

Sa halip, sinabihan ni Pangilinan si Padilla na sampahan na lamang siya ng reklamo sa Senate Ethics committee.

“Ang suggestion ko, dahil napanood ko kagabi sa balita na nais magsampa ng Ethics case laban sa atin si Senator Robin Padilla kaya isampa na yung Ethics case at doon na pag-usapan ito,” ani Pangilinan.

Nais rin sana ni Padilla na tanggalin sa record ng Senado ang ginawang ‘pagsigaw’ umano sa kanya ni Pangilinan habang siya ay nagdidiskusyon dahil ayaw niyang mabasa ng kanyang mga anak at apo na ang isang Muslim senator ay sinisigawan.

Samantala, ayon kay Acting Office of the Sergeant-At-Arms Mao Aplasca, naka-break ang sesyon at papunta ng Senate lounge ang mga senador para magmeryenda nang magkaroon umano ng komosyon sa pagitan nina Padilla at Pangilinan.

Subalit paglilinaw ni Aplasca, hindi naman nagkaroon ng pisikalan o nagkasuntukan kundi nagkasagutan lamang ang dalawang senador.

ROBIN PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with