^

Bansa

PANOORIN: Dizon, Sotto ininspeksyon ang sirang F. Manalo bridge sa Pasig

Philstar.com

MANILA, Philippines — Ininspeksyon nina Public Works Secretary Vince Dizon at Pasig City Mayor Vico Sotto ang F. Manalo Bridge sa Barangay Manggahan, Pasig City, na nagtamo ng matinding pinsala matapos mabangga ng mga barge noong kasagsagan ng Bagyong Carina noong 2024.

Ayon kay Dizon, kabilang sa prayoridad ng ahensya ang agarang pagkukumpuni at rehabilitasyon ng mga nasirang tulay sa bansa, alinsunod sa utos ng Pangulo.

Layunin ng pamahalaan na mapabilis ang daloy ng trapiko at matiyak ang kaligtasan ng publiko sa sandaling maisagawa ang mga pagkukumpuni.

Patuloy ang pagsusuri sa kondisyon at timeline ng proyekto.

VICO SOTTO

VINCE DIZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with