Rep. GMA itinanggi ang kudeta sa HOR
MANILA, Philippines — Mariing pinabulaanan ni dating Pang. at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ang alegasyong “ouster plot” o planong patalsikin si House Speaker Faustino Dy III bilang lider ng Kamara.
Sa kanyang pahayag, iginiit ni Arroyo ang kanyang “confidence” o tiwala sa pamumuno ni Speaker Dy.
Ayon kay Arroyo, ang “mutual support” o suporta nila sa isa’t isa na nagsimula sa ama ni Speaker Dy ay hindi nagbabago at nananatiling matatag.
Nauna nang lumutang na isinusulong ni Vice Pres. Sara Duterte na maibalik si Arroyo bilang House Speaker.
Ang motibo umano ng kudeta ay para maisalba ang bise presidente mula sa impeachment.
Matatandaang si Arroyo ay naging House Speaker noong July 2018 matapos na mapatalsik si dating House Speaker Pantaleon Alvarez, at sinasabing nagtagumpay ang plano dahil sa umano’y suporta ni VP Duterte na noo’y alkalde ng Davao City.
- Latest





















