‘Kiss of death’ dala ni VP Sara sa kandidato – Gadon
MANILA, Philippines — Inihayag ni Presidential Adviser on Poverty Alleviation Larry Gadon nitong Martes na taglay ni Vice President Sara Duterte ang “kiss of death” sa sinumang kandidato na kanyang iendorso o mapahanay sa kanya.
“Lagapak, talo at bigo. ‘Yan ang nangyayari, dahil si Sara ay may kiss of death,” ani Gadon sa video message na kanyang ibinahagi sa media.
Ito raw aniya ay napatunayan sa nakaraang resulta ng special election sa First Congressional District ng Antipolo kung saan tinalo ni Dr. Philip “Bong” Acop na anak ni Cong. Romeo Acop na namayapa noong Disyembre ang kalaban nito sa isinagawang special elections sa Antipolo City.
Napatunayan din sa nakaraang national elections na bagamat kinampanya niyang huwag iboto sina congressman Benny Abante at Joel Chua nanalo pa rin ang mga ito na indikasyon walang naniniwala sa Bise Presidente.
Nanawagan din ang kalihim sa mga miyembro ng Kongreso na huwag matakot sa pagboto ng impeachment laban kay VP Sara, sapagkat sa kanyang pagtaya, di ito mananalo sa 2028 presidential elections.
“Saan siya kukuha ng boto? Iyan mga trust rating sa mga survey survey, paanong nangyari iyon, samantalang galit na nga ang mga tao sa kanya. Galit na sa mga katiwalian niya, ng pamilya niya. Doon sa EJK, ‘yun POGO, ‘yun online gambling at kung anu-ano pang katiwalian. Pagkatapos sasabihin niyo malakas sila, kalokohan iyan. “dagdag pa ni Gadon”.
- Latest




















