^

Bansa

PANOORIN: Marcos ikinagulat ang kaso ni Bong Revilla — Malacañang

Martin Ramos - Philstar.com

MANILA, Philippines — Sinabi ng Malacañang na bagama’t nagulat si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagkakasangkot at pagsuko ni dating Senador Bong Revilla, malinaw umano ang paninindigan ng Pangulo na walang lusot sa imbestigasyon, kahit pa kaalyado, kaugnay ng mga anomalya sa flood control projects.

Ayon kay Palace press officer Claire Castro nitong Martes, Enero 20, matagal nang nagpapatuloy ang pagpapanagot sa mga sangkot sa mga proyekto at hindi nagsimula sa kaso ni Revilla ang pagpapanagot ng pamahalaan sa mga sangkot.

Binanggit ni Castro na bago pa mag-Pasko ay marami nang naisyuhan ng warrant of arrest, kabilang si Sara Discaya, na naaresto at kasalukuyang nakakulong.

Kaugnay ng kaso ni Revilla, sinabi ni Castro na nagulat ang Pangulo dahil kaalyado niya ito at kasama pa sa kanyang tiket noong nakaraang halalan. Gayunman, iginiit umano ni Marcos na kahit kaalyado ay dapat imbestigahan kung may basehan.

Sumuko sa Philippine National Police (PNP) si Revilla nitong Lunes ng gabi, Enero 19, matapos maglabas ng warrant of arrest ang Sandiganbayan Third Division.

Ang kaso ay may kinalaman sa malversation through falsification of public documents, na iniugnay sa umano’y iregularidad sa isang flood control project sa Pandi, Bulacan.

BONG REVILLA

BONGBONG MARCOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with