^

Bansa

Uwan lalabas na, pero babalik

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Uwan lalabas na, pero babalik
Ayon sa PAGASA, alas-10 ng umaga kahapon, ang sentro ng bagyong Uwan ay nasa layong 135 kilometro kanluran hilagang kanluran ng Bacnotan, La Union ­taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 130 kilometro bawat oras at pagbugso na 160 kilometro bawat oras.
PAGASA

MANILA, Philippines — Inaasahang lalabas ng Philippine Area of ­Responsibility (PAR) si Uwan Lunes ng gabi o ngayong Martes ng umaga pero maaaring pumasok ulit sa Miyerkules ng gabi habang kumikilos sa Taiwan at Ryukyu Islands at tuluyang hihina sa dara­ting na araw ng Biyernes.

Ayon sa PAGASA, alas-10 ng umaga kahapon, ang sentro ng bagyong Uwan ay nasa layong 135 kilometro kanluran hilagang kanluran ng Bacnotan, La Union ­taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 130 kilometro bawat oras at pagbugso na 160 kilometro bawat oras.

Bagamat humihina na ang naturang bagyo, apektado pa rin nito ang malaking bahagi ng Luzon at bahagi ng Visayas.

Ngayong Martes, si Uwan ay kukurbada sa may hilagang kanluran at iikot pahilaga hanggang sa hilagang silangan.

Muling babalik ang lakas ni Uwan habang kumikilos papuntang timog kanluran ng Taiwan at saka hihinang muli sa kalagitnaan ng linggong ito.

Samantala, isa hanggang 3 bagyo ang maaaring pumasok sa PAR hanggang sa katapusan ng taon.

Oras na pumasok sa bansa, tatawagin ang mga itong bagyong Verbena, Wilma at Yasmin.

“‘Yung combined number, around one or three pa po ang inaasahan nating bagyo na maaaring dumaan sa Philippine Area of Responsibility or magla-landfall po sa ating bansa,” ayon sa PAGASA.

Ngayong taon, ayon sa PAGASA, hindi si Uwan kundi ang Super typhoon na may international name na Ragasa o bagyong Nando ang pinaka malakas na bagyo na pumasok sa PAR ngayong taon o noong Setyembre 2025.

PAGASA

PAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with