^

Bansa

'Agila' internet satellite program welcome sa Pinas – lawmakers

Philstar.com
'Agila' internet satellite program welcome sa Pinas � lawmakers
Ang Astranis Space Technologies Corp. ay pormal na lumagda ng kasunduan sa  Orbits Corp. para dalhin ang internet connectivity sa “unserved at underserved“ areas sa Pilipinas sa pamamagitan ng paglulunsad sa MicroGEO satellites.
AFP/File

MANILA, Philippines — Mainam naging pagtanggap ng mga mambabatas sa dalawang kapulungan ng Kongreso ang plano ng Malacañang na dalhin ang unang dalawang internet satellites na laan lamang sa Pilipinas para serbisyuhan ang mga liblib na lugar sa bansa.

Sa working visit ni Pangulo Ferdinand Marcos Jr. sa United States, ang Astranis Space Technologies Corp. ay pormal na lumagda ng kasunduan sa Orbits Corp. para dalhin ang internet connectivity sa “unserved at underserved“ areas sa Pilipinas sa pamamagitan ng paglulunsad sa MicroGEO satellites.

Ayon kay Senador Francis Tolentino, vice chairman ng Senate Committee on Science and Technology, na ang inisyatibo ay magbubukas sa mas masiglang economic activities at mas maraming oportunidad sa mga liblib na lugar sa bansa.

Binigyang-diin ni Tolentino ang potential benefits ng programa, kabilang ang pinabuting  edukasyon para sa mga kabataan pinalakas na marketing capabilities para sa mga lokal na produkto, at napakahalagang access sa regular weather information, na partikular na mahalaga para sa mga magsasaka. 

“Many areas in the country suffer from technological poverty and they are internet poor because telcos find the cost of servicing them as economically unfeasible. And this contributes to economic stagnation,” sabi ni Tolentino.  

“Internet satellite will open these areas to opportunities that will improve the education of their youth, the marketing of their products, and even weather information which is what farmers need on a regular basis,” dagdag pa niya. 

Binigyang-diin ni Bulacan’s San Jose del Monte City Rep. Rida Robes, miyembro ng House Information And Communications Technology Committee, ang napakahalagang papel ng pamahalaan para tugunan ang “digital divide” sa bansa.

Sa kabila ng paglaganap ng mga platform tulad ng TikTok at YouTube, iginiit ni Robes na tinatayang 25 million Filipinos ang nananatiling walang access sa internet, partikular sa mga liblib na lugar kung saan umiiral pa rin ang physical at broadband isolation. 

“Kahit uso na ang TikTok, kahit YouTube na ang bagong TV, 25 milyon pa ring mga Pilipino ang hindi internet users dahil walang serbisyo sa kanila. ‘Yung liblib na lugar ay hindi lang physically isolated, broadband isolated pa,” sabi ni Robes.

“At ang daming economic opportunities na magpapaganda sana ng buhay ang hindi nila napapakinabangan. Hindi lang sa pangkabuhayan ang pagunlad, lalago rin ang demokrasya, kasi ang access sa malayang impormasyon ang lumilikha ng mulat na mamamayan,” dagdag pa niya. 

Ang programa ng Malacanang na dalhin ang dalawang internet satellites ng Astranis at Orbits na laan lamang sa Pilipinas ay inaasahang lilikha ng $400 million investment sa susunod na walong buwan. 

Ang MicroGEO satellites ay magkakaloob ng internet service sa “unserved at underserved areas” sa Pilipinas, na sumasakoo sa hanggang 10 million users at 30,000 barangays.

Ang programa ay tinatayang lilikha ng mahigit 10,000 trabaho para sa direct at indirect employees at partners.

vuukle comment

INTERNET

SATELLITE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with