^

Bansa

Sen. Revilla, balik chairman ng Lakas-CMD

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Sa pagkalas ni VP Sara Matapos na magbitiw si Vice Pres. Sara Duterte sa Lakas-CMD, ibinalik sa puwesto bilang chairman ng partido si Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr.

Ito ang nabatid sa facebook post ni 2nd District Cavite Rep. Lani Mercado-Revilla.

Nitong Biyernes ng gabi ay nagsagawa ng executive committee meeting ang Lakas-CMD at tinalakay ang maraming isyu na kinakaharap ng kanilang partido.

Dito ay ibinalik ang chairmanship kay Sen. Revilla na napunta kay Sara ng sumapi ito sa Lakas-CMD noong Nobyembre 2021 at tumakbong Bise Presidente.

Habang si Speaker Martin Romualdez, na pa­ngulo ng Lakas-CMD ang nagsilbing isa sa mga campaign manager ni Sara.

Sa kabila ng mga pang­yayari, nirerespeto ng Lakas ang desisyon ni VP Sara na magbitiw sa partido at pinasalamatan ito sa panahon na ginugol sa kanilang partido na kanilang inilahad sa isang resolusyon.

Ayon naman kay Rep. Revilla, patuloy ang ‘pledge of support’ ng mga mambabatas sa liderato ni Romualdez sa Kamara matapos na umugong ang planong ikudeta ito.

Itinanggi naman ni da­ting Pangulo at ngayo’y 2nd District Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo na nais niyang agawin ang puwesto ni Romualdez.

Nitong Miyerkules ay tinanggal sa puwesto bilang Senior Deputy Speaker si Arroyo na na-demote ng posisyon bilang Deputy Speaker.

vuukle comment

CMD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with