^

Bansa

BuCor magtatayo ng HQ sa Masungi

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Itinanggi kahapon ni Bureau of Corrections (BuCor) officer-in-charge Gregorio Catapang na bilangguan ang itatayo nila sa loob ng Masungi Georeserve sa Baras, Rizal ngunit inamin na plano nila na magtayo ng regional office sa lupain na pag-aari nila.

Iginiit ni Catapang na opisina ang kanilang ilalagay at hindi ililipat doon ang mga inmates.

Bahagi umano ito ng plano nila na i-develop ang iba nilang mga ari-arian maging sa ibang lugar tulad ng Puerto Princesa City, Davao del Norte, Mindoro, Leyte at iba pa.

Ito ay makaraan na mag-post ang Masungi Georeserve sa kanilang Facebook page sa pagdating ng nasa 20 opisyal ng BuCor na nagsagawa ng ocular inspection sa sinasabing “relocation site” ng New Bilibid Prison, ng wala umanong abiso sa kanila.

Kinumpirma ni Catapang na mga tauhan ng BuCor ang mga dumating sa Masungi at may pag-aari silang lupain na aabot sa higit 270 ektarya.

Iginiit ng Masungi Georeserve na bahagi ng “protected and conserved area” ang Lot 10 na matatagpuan ang mga limestone formations.  Mabundok umano ang lugar at hindi maaring magtayo ng istruktura.

Tugon naman ni Catapang, wala silang sisirain sa itatayo nilang istruktura at sa halip ay tutulong pa sa konserbasyon nito sa pagtatanim sa bundok.

vuukle comment

BUCOR

PRISON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with