^

Bansa

Marcos nilagdaan SIM card registration law; peligro sa 'data protection' ibinabala

James Relativo - Philstar.com
Marcos nilagdaan SIM card registration law; peligro sa 'data protection' ibinabala
Kuha kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. habang nasa "ceremonial signing" ng kontrobersyal na Republic Act 11934 o SIM Card Registration Act, ika-10 ng Oktubre, 2022
Video grab mula sa PTV Youtube channel

MANILA, Philippines — Pirmado na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kontrobersyal na SIM Card Registration Act, bagay "tutugon" daw sa text scams at spams. Sa kabila nito, maaari raw nitong mailagay sa alanganin ang personal na impormasyon ng publiko, ayon sa ilang communications technology professionals.

Idiniin ni Marcos Jr., Lunes, na magiging epektibong paraan daw ang paglagda niya sa Republic Act 11934 para maregula ang pamamahagi ng subscriber identity module (SIM) cards para masawata ang paglaganap ng spam text messages at scams.

"We will soon be able to provide law enforcement agencies with the tools needed to resolve crimes perpetrated with the use of SIM cards, as well as provide a strong deterrence against the commission of wrongdoing," sabi ng presidente kanina.

"Moving forward, it is my hope that we will be able to enact even more similar measures to help bring forth the security, progress, and prosperity we aspire for the Filipino and for the entire nation."

Umaasa rin ang pangulong tatanggapin ito ng taumbayan ngayong kumakalat ang iba't ibang krimen gamit ang mga cellphones at pagkalat ng scam at spam messages.

Ang RA 11934 ang unang batas na maipapatupad dahil sa aksyon ng chief executive.

Anong mangyayari ngayong batas na ito?

Sa ilalim ng RA 11934, isasagawa ang sumusunod:

  • pagpaparehistro ng lahat ng SIM cards, dahilan para maobliga ang lahat ng public telecommunication entity o direct seller na magmintena ng SIM Card Register ng kanilang mga subscriber na maglalaman ng lahat ng impormasyong kailangan sa ilalim ng batas
  • kakailanganin nang magpresenta ng end users ng SIM cards ng valid identification document para ma-validate ang kanilang pagkatao
  • ioobliga rin ng batas na mairehistro ng mga telecommunications entities ang mga lumang SIM card phone subscribers sa loob ng isang takdang panahon
  • magtatakda ng parusa ang batas sa paggamit ng pekeng impormasyon sa tuwing nagrerehistro ng SIM card

Pagtitiyak din ng gobyerno, magkakaroon naman ng proteksyon ng confidentiality at data privacy rights ng mga subscriber na siyang mangyayari oras na ibinenta ang SIM.

Sa kabila nito, maaaring pwersahin ang mga public telecommunication entity na ibahagi ang impormasyong nasa rehistro ng SIM card matapos makapagpaluwal ng subpoena o court order upang "mapigilan ang paggawa ng krimen gamit ang cellphones."

Batas banta sa seguridad?

Kinundena naman ng Computer Professional's Union ang pagsasabatas ng RA 11934 lalo na't mas marami pa raw dapat inuuna ang administrasyon.

"Amid worsening crises and the culture of impunity in our nation, he prioritizes legislation that has been proven ineffective in addressing crime and further endangers people’s information," ayon sa grupo.

"The CPU reiterates its stand that the mandatory SIM Registration puts at risk our right to privacy and data protection. It is ineffective and has its ill effects as seen in other countries that have implemented it."

Imbis na tugunan ang ugat ng mga krimen at gumawa ng istratehiya't long-term solution dito, nakakadismaya aniya na ibinubuhos lang niya ito sa mga "party at luxury trip" na itinatago sa tabing ng trabaho.

Nangyayari ang lahat ng ito ngayong sumirit sa 6.9% ang inflation rate nitong Setyembre at umabot sa 2.68 milyon ang mga walang trabaho sa Pilipinas, ang lahat ng ito habang nababatikos ang "pakikipagsosyalan" ni Bongbong sa mga event gaya na lang ng Singapore F1 race kamakailan.

Ayon pa sa CPU, mas mainam na ipatupad na lang ng gobyerno ang mga probisyon ng Data Privacy Act of 2012 kaysa magpatupad pa ng SIM card rehistration.

"The way to solve crime is not through lazy bandage solutions, and definitely not through further endangering the public. Crime is rampant because of poverty, joblessness, inequality, and exploitation," sabi pa ng CPU.

Dati nang ibinababala ng Makabayan bloc ang posibilidad "surveillance" at paglabag sa privacy oras laban sa mga aktibista at karaniwang mamamayan oras na maipatupad ito.

vuukle comment

BONGBONG MARCOS

DATA PRIVACY ACT

MAKABAYAN BLOC

PRIVACY

SIM CARD REGISTRATION

SURVEILLANCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with