^

Bansa

Duterte idineklara May 9 elections bilang 'non-working holiday'

Philstar.com
Duterte idineklara May 9 elections bilang 'non-working holiday'
San Juan City residents take part in a voting simulation at the San Juan Elementary School yesterday. The Comelec exercise aims to test the efficiency of the process and the implementation of basic health protocols.
The STAR/Krizjohn Rosales, File

MANILA, Philippines — Pormal nang idineklara bilang special non-working holiday ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ika-9 ng Mayo kasabay ng halalang 2022.

Ito ang ianunsyo ni Malacañang, Huwebes, sa pamamagitan ng Proclamation 1357.

"[There] is a need to declare Monday, 09 May 2022, a special (non-working) holiday to enable the people to properly exercise their right to vote," sabi ni Digong sa dokumentong inilabas sa media ngayong araw.

"[This is] subject to the public health measures of the national government."

Ipinahayag ng Palasyo ang naturang kautusan matapos hikayatin ng Commission on Elections, ilang labor rights groups at progresibong mga kandidato si Digong na ideklara ang isang special-non working holiday o regular holiday sa Lunes upang maengganyo ang publikong bumoto. Pangamba kasi nila, kailangan nilang lumiban sa trabaho at hindi makatanggap ng sahod para lang makaboto.

Una nang sinabi ng Kilusang Mayo Uno, Anakpawis party-list at ni senatorial candidate Neri Colmenares na madi-disenfranchise ang mga manggagawa't empleyado kung hindi ito magagawa lalo na't mayorya ng mga botante ay employed.

Aabot sa 45.48 milyon ang employed individuals nitong Pebrero, na siyang mayorya na ng 65.7 milyong registered voters sa loob ng Pilipinas, kung datos nitong Disyembre 2021 ang titignan.

Dahil special non-working holiday sa Lunes, "no work, no pay" ang kaayusang mangyayari. Gayunpaman, bibigyan ng dagdag 30% ng kanilang daily rate ang mga taong pipiliing magtrabaho sa araw na 'yon sa unang walong oras. 

Kung rest day ng empleyado sa araw ng special non-working holiday ngunit nagtrabaho pa rin siya, kailangan niyang bayaran ng karagdagang 50% ng kanilang daily rate sa unang walong oras. — James Relativo at may mga ulat mula sa News5

vuukle comment

2022 NATIONAL ELECTIONS

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with