^

Bansa

DOH pabor sa MECQ extension sa NCR Plus

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
DOH pabor sa MECQ extension sa NCR Plus
Tingin ko kailangan ipagpatuloy ang MECQ for another week or two dahil nga ang health systems capacity natin, hindi masyadong nag-iimprove pa sa ngayon,” ayon kay Health Secretary Francisco Duque III na ipinunto na ang ibang pagamutan sa Metro Manila ay kritikal pa rin ang klasipikasyon ng kanilang mga ICU (intensive care units).
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Pabor si Health Secretary Francisco Duque III na palawigin ang “modified enhanced community quarantine (MECQ)” sa NCR Plus sa loob ng isa o dalawang linggo upang higit pang mapababa ang bilang ng naitatalang bagong COVID-19 cases.

Ipinaliwanag ni Duque na kailangan pang pataasin ang kapasidad ng health system habang marami pang pagamutan ang nasa critical risk classification.

“Tingin ko kailangan ipagpatuloy ang MECQ for another week or two dahil nga ang health systems capacity natin, hindi masyadong nag-iimprove pa sa ngayon,” ayon kay Duque na ipinunto na ang ibang pagamutan sa Metro Manila ay kritikal pa rin ang klasipikasyon ng kanilang mga ICU (intensive care units).

Nagbabala pa si Duque na posibleng muling tumaas ang COVID-19 infections kung paluluwagin ang quarantine status.

Matatandaang matapos ang pagpapairal ng enhanced community quarantine (ECQ) mula Marso 29 hanggang Abril 11, ay isinailalim naman sa MECQ ang NCR Plus simula Abril 12 hanggang sa Abril 30.

Sa ilalim ng MECQ, ipinagbabawal pa rin ang mga non-essential trips at sarado ang mga non-essential businesses at services.

vuukle comment

FRANCISCO DUQUE III

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with