^

Bansa

Malacañang saludo sa mga nagsulputang community pantry

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Malacañang saludo sa mga nagsulputang community pantry
Nagsulputan na ang mga community pantry sa iba’t ibang lugar sa bansa gaya sa Baguio city na nagbibigay din ng libreng mga food items sa mga residente na hirap ngayong pandemya.
Andy G. Zapata Jr.

MANILA, Philippines — Saludo ang Malacañang sa mga nagsulputang community pantry kung saan maaaring kumuha ng libreng pagkain ang mga nangangailangan na sinusuportahan naman ng mga kayang magbigay.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ipinapakita lamang na kayang malampasan ng mga Filipino ang mga matinding hamon sa buhay.

“Saludo po tayo sa lahat ng mga Pilipino at talaga naman po nagpapakita na the Filipino can and will prevail lalo na po kapag matindi ang paghamon,” ani Roque.

Idinagdag ni Roque na ipinapakita rin ng community pantry ang pinakamagandang ugali ng mga Filipino na nagbabayanihan at nagtutulungan sa panahon ng panga-ngailangan.

Kinontra naman ni Roque ang sinabi ni da-ting vice president Jejomar Binay na kapag absent ang gobyerno, nagdadamayan sa isa’t isa ang mga Filipino.

Nakiusap na lang si Roque na itigil na muna ang bangayan at pairalin ang bayanihan.

 

vuukle comment

MALACAñANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with