^

Bansa

Konstruksiyon ng Metro Manila Subway, inaasahang masisimulan na

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inaasahang masisimulan na ang underground works ng pinakaaaba­ngang­ Metro Manila Subway Project (MMSP).

Kasunod na rin nang pagpapasi­naya ng Department of Transportation (DOTr) kahapon sa higanteng cutter head ng tunnel boring machine (TBM) na gagamitin ng pamahalaan para sa konstruksiyon partial ope­rability section ng P393-bilyong proyekto.

Anang DOTr, ang naturang cutter head ay ikakabit nila kay ‘Kaunlaran,’ ang una sa anim na TBMs na layu­ning gamitin sa partial operability section ng subway.

Ang pagpapasinaya ay isinagawa sa Arrival Ceremony sa Manila North Centre­ Port Terminal kahapon.

Ayon sa DOTr, ang naturang Cutter Head ang pinaka­malaki at pinakama­bigat na bahagi ng TBM, at tumitim­bang ng 74 tonelada.

Pangunahing layunin nito na sirain­, putulin at gilingin ang mga bato at lupa sa pamamagitan nang pag-ikot sa 36- piece disc cutter nito, na binubuo ng 15 pirasong single at 21 pirasong twin Roller Cutter (RC). 

“This Tunnel Boring Machine symbolizes its name, ‘Kaunlaran’. Today, we ask you as we applaud the coming of ‘Kaunlaran’ – I ask you in joining us in riding the Philippines’ first metro subway dahil ito ‘ho ay pag­lakbay papunta sa kaunlaran,” ayon kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur P. Tugade sa kanyang mensahe.

Anang DOTr, ang pagdating ng kauna-unahang TBM Cutter Head ay hudyat nang pagdadatingan na rin ng iba pang TBM equipment at materials.

vuukle comment

METRO MANILA SUBWAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with