^

Bansa

‘Mga atleta ayudahan’ – Go

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nanawagan si Senador Christopher Lawrence “Bong” Go sa Philippine Sports Commission at Games and Amusement Board na patuloy na ayudahan ang mga atletang Filipino sa gitna ng coronavirus disease 2019 pandemic.

“Nananawagan po ako sa pamahalaan na patuloy na suportahan ang ating mga atleta sa panahon na ito. Nagpapasalamat din ako sa PSC at GAB sa kanilang mga initiatives para sa ating mga atleta,” ayon kay Go. 

“Mahalaga na ala­gaan natin hindi lang ang kanilang pisikal na kalusugan, kundi pati na rin ang kanilang mental well-being,” anang senador Go. 

Kamakailan, namahagi ang PSC ng regular allowance sa may 1,000 national athletes at coaches sa kabila ng “No training, no allowance” policy nito. 

Sa pamamagitan din ng suhestyon ni Go, nakipag-usap ang GAB sa Department of Social Welfare and Development para sa pamamahagi sa mga atleta at trainers ng food packs at financial assistance sa ilalim ng Assistance for Individuals in Crisis Situations program ng ahensiya.

vuukle comment

ATLETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with