^

Bansa

Lumaklak ng tuba, 4 patay

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

Legazpi City, Albay, Philippines — Apat katao ang namatay habang tatlo ang nilalapatan nang lunas sa ospital matapos malason sa ininom nilang tuba sa Brgy. Upper Omon sa bayan ng Ragay, Camarines Sur.

Kinilala ang mga nasawi na sina Armando Diaz Ollano,56, kapatid na si Reynaldo Diaz Ollano, 63, Bertito Recomanta Casitas, at isang nagngangalang Belen. Patuloy na inoobserbahan sa ospital ang iba pang nakainumang sina Maribel delos Santos, 50; Adriano Balmes, 44; Doroy de Torres at Rodolfo Abellada, 53.

Sa ulat, dakong alas-2 ng Huwebes ng hapon nagkasayahan ang mga biktima at uminom ng tuba na gawa mula sa Buli Palm.

Gayunman, kinabukasan ng hapon lahat ng mga biktima ay nakaramdam nang sobrang pananakit ng tiyan, pagkahilo, pagsusuka kaya mabilis silang isinugod ng mga kaanak sa iba’t ibang ospital sa Naga City pero namatay ang magkapatid na Ollano, Casitas at Belen.

Napag-alamang ang tuba na kanilang ininom mula sa Buli Palm ay posibleng nakontamina ng lason mula sa baging ng “bayate” na nakapulupot sa katawan ng palm.

Pinaniniwalaang ang lason ng bayate ay napunta sa kinuhang dagta ng palm na ginawang tuba.

vuukle comment

PATAY

TUBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with