^

Bansa

6 Sayyaf bulagta sa engkwentro

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang anim na mga bandidong Abu Sayyaf habang walong sundalo naman ang sugatan sa panibagong engkwentro na naganap sa Barangay Latih, Patikul, Sulu kamakalawa.

Kinilala ang tatlo sa anim na mga bandidong nasawi na sina Guro Khalid, Udal Muhamadar Said at alias Budah.

Nabatid na nagsasagawa ng combat patrol ang mga tauhan ng 45th Infantry Batallion ng Philippine Army sa bahagi ng Barangay Latih, Patikul nang maganap ang sagupaan.

Ayon kay Lt. Gen. Cirilito Sobejana, ang pinuno ng Westmincom na nagsasagawa ng focused military operations ang mga sundalo para ubusin na ang mga Abu Sayyaf para sa pangmatagalang Kapayapaan sa lugar.

Walo naman sa mga sugatang mga sundalo ay agad na dinala sa Camp Navarro General Hospital sa Zamboanga City.

Tumakas naman kaagad ang mga terorista matapos ang insidente.

vuukle comment

SAYYAF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with