LCSP walang kinalaman sa isyu ng Angkas
MANILA, Philippines – Walang kinalaman ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) sa usapin ng motorcycle taxi na Angkas.
Ayon kay Atty. Ariel Inton, founding president ng LCSP, nagtataka siya kung bakit ang kanilang samahan ang pinupuntirya ng Technical Working Group (TWG) ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa isyu ng Angkas gayung nais lamang ng LCSP na magkaroon ng ligtas at proteksiyon ang mga pasahero at motorista.
Nilinaw ni Inton na maraming taon nang buo ang grupo ng LCSP na kinabibilangan ng mga abogado na nagbibigay ng libreng konsulta sa mga isyu ng transportasyon.
“Kung naghahanap sila ng mapagbibintangan na ‘mouthpiece’ hindi ang LCSP yun. Marami raw violation ang Angkas? Eh bakit isinama pa sa pilot-run. Kung may mga ginawang labag sa batas ang Angkas, bakit hindi na-suggest na tanggalin sila sa serbisyo at alisin na sa pilot-test?” sabi ni Inton.
Nilinaw din nito na ang letter request ng JoyRide para sa endorsement ay naka-address sa DOTr Secretary at hindi sa senador magmumula ang endorsement.
- Latest























