^

Bansa

Digong desidido sa Kaliwa at Wawa Dam

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Digong desidido sa Kaliwa at Wawa Dam
Ang Wawa dam ay itatayo sa Rizal habang sa Quezon naman ang Kaliwa dam.
dof.gov.ph

MANILA, Philippines — Desidido si Pangulong Rodrigo Duterte na pasimulan na ang pagpapatayo ng Kaliwa dam at Wawa dam upang hindi na dumanas ng krisis sa tubig ang Metro Manila.

Nangako ang Pangulo na babayaran ang mga apektadong katutubo at bibigyan sila ng relokasyon.

“This will be the last resort to have water in Manila. I will order them to go ahead,” wika pa ng Pangulo.

Nagbabala ang Pangulo sa korte na huwag magpapalabas ng temporary restraining order (TRO) bagkus ay inatasan ang mga ahensiya ng gobyerno kapag may ganito.

“But for the courts to issue itong mga TRO, sabi ko nga, do not take it to the point na sabihin ko ‘ignore them,’” giit pa ng Pangulo.

Ang Wawa dam ay itatayo sa Rizal habang sa Quezon naman ang Kaliwa dam.

Samantala, nagbanta ang Pangulo na sususpindihin niya ang writ of habeas corpus upang arestuhin ang mga nasa likod ng water concession agreements.

“I want billionaires inside the prison. Makatikim talaga ‘yang mga y*** na ‘yan. Sabi ko nga sa mga military, and you, if perchance I do not make it to the finish line, ‘wag ninyong bitawan ‘yang kalokohan ng mga mayayaman. You continue fighting them. They are there really to scratch everything from the bottom of the barrel,” wika pa ni Pangulong Duterte.

vuukle comment

WAWA DAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with