^

Bansa

Nanakit ng traffic enforcer, ikalaboso habang buhay - solon

Pilipino Star Ngayon

MANILA,Philippines — Nais ni ACT-CIS Cong. Eric Yap na makulong ng habang buhay ang driver ng SUV na nanakit at kumaladkad sa isang traffic enforcer sa Maynila na tumutupad lamang sa kanyang tungkulin.

Sa ngayon ay nirerebyu na ni Cong. Yap ang batas na magpapataw ng mabigat na parusa sa mga taong mananakit o makakapatay sa mga awtoridad na ginagawa lamang ang kanilang trabaho.

Nagpahayag ng kalungkutan si Cong. Yap matapos nitong mapanood ang sinapit ng traffic enforcer na kinaladkad sa kalsada at plano pang ipitin sa truck pero nagawa lamang makatalon.

Anang mambabatas, hindi lang dapat tanggalan ng lisensiya ang driver, sa halip  ay ikulong ng mahabang panahon para magtanda at hindi pamarisan ng iba.

“Hindi lang serious physical injuries o assualt of a person in authority, dapat attempted murder or frustrated murder of a law enforcer ang ikaso sa kanya” anang bagitong mambabatas.

Agad namang nahuli ang driver ng SUV na si Orlando Ricardo Dizon na ngayon ay nakakulong na sa Manila Police District Station 3 habang ang enforcer na si Adrian Lim ng Manila Traffic and Parking Bureau ay nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Nabatid na sinita ni Lim si Dizon dahil sa traffic violation pero imbes na magpatiket ay pinaharurot nito ang kanyang sasakyan habang nakasabit ang enforcer sa bintana sa driver side ng SUV.

vuukle comment

ACT-CIS

TRAFFIC ENFORCER KINALADKAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with