Heinous crime convicts nasa Pinas pa - DOJ
MANILA, Philippines — Tiniyak ng Department of Justice na nasa bansa pa ang halos 2,000 heinous crime convicts na napagbigyang makalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA).
Ito ay batay na rin sa report ng Bureau of Immigration.
Nabatid na 76 heinous crime convicts na napalaya ang nakabalik na sa Bureau of Corrections.
Samantala sa record ng PNP, umaabot na sa 65 convicted criminals ang sumuko sa kanila.
Ang nasabing bilang ay mula sa Police Regional Office (PRO)2 - 24; PRO3-1; PRO4A-1; PRO4B-11; PRO5-5; PRO6-2; PRO7-7; PRO8-3; PRO10-1; PRO13-4; PROCOR-4 at NCRPO-2.
Habang ang mga sumusunod naman ang bilang ng mga nagawang kasalanan ng 65 na sumuko: Murder - 19; Rape - 26; Robbery with rape - 3; Murder and robbery - 1; Attempted Rape with Homicide - 1; Robbery with Homicide - 4; Dangerous drugs - 3; Murder, Homicide, Double Frustrated Murder and Grave Threats - 1; Parricide – 1; Homicide – 2; Carnapping – 1; Robbery – 1; Rape with Homicide – 1 at Rape and Arson – 1.
Ayon kay DOJ spokesperson Undersecretary Mark Perete, magsasagawa sila ng BuCor ng pagpupulong at inspeksiyon upang malaman ang sitwasyon sa BuCor.
Matatandaang nag-isyu ng 15 days ultimatum si Pangulong Duterte para sumuko ang mga heinous crime convicts na napalaya sa GCTA.
Mahaharap naman sa warrantless arrests ang sinumang hindi susuko. Gemma Garcia
- Latest