^

Bansa

‘Panelo walang kinalaman’ – DOJ

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

Sa paglaya ng convicted rapist at murderer na dating mayor

MANILA, Philippines — Tila agad ipinagtanggol ni Justice Secretary Me­nardo Guevarra si  Presidential Spokesperson Salvador Pa­nelo nang sabihin niya na wala itong kinalaman o sinuman sa nakatakdang pagpapalaya kay dating Calauan Mayor Antonio Sanchez.

Ang pahayag ng kalihim ay kaugnay sa pangamba ng ilan na maaaring may kinalaman si Panelo sa pagpapalaya kay Sanchez.

Matatandaan na si Pa­nelo ay isa sa mga counsel ni Sanchez na convicted rapist at murderer sa kaso ng pagpatay sa UP Los Baños student na si Eileen Sarmenta at kasama nitong si Allan Gomez noong 1993.

Ayon kay Guevarra, ang Bureau of Corrections ang nagre-recompute sa good conduct time allowance o GCTA ni Sanchez.

Paliwanag ni  Guevarra, mapapalaya si Sanchez dahil nasakop ito ng 2013 law na nagtataas sa GCTA at ruling ng Korte Suprema sa “retroactivity” ng GCTA na inilabas noong Hunyo, para sa persons deprived of liberty o PDL.

Ani Guevarra, nagkataon lamang na isa si Sanchez sa mga makikinabang sa pagpapatupad ng batas.

Dagdag pa ni Guevarra, ang proseso ng pagpapalaya sa mga PDL ay alinsunod sa itinaas na GCTA na  ginagawa sa pamamagitan ng “first in, first out basis” na nagsimula sa mga kaso mula 1993.

Ayon kay Guevarra, base kay Bucor Director General Nicanor Faeldon na nasa dalawang daan PDLs ang maaa­ring makalaya kada araw.

Sinabi pa ni Guevarra, hindi na rin kailangan ang approval ni Pangulong Rodrigo Duterte para mapalaya si Sanchez at may 11,000 preso dahil sa kanilang GCTA.

Nahatulan ng 7 term ng reclusion Perpetua si Sanchez noong 1995 ng korte. Rudy Andal

vuukle comment

PANELO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with