^

Bansa

Pinas susulong sa space agency

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pabibilisin ang pagsulong ng bansa ng ‘Philippine Space Act (RA 11363)’ na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan, at lalo pa nitong iaangat ang antas ng Pilipinas sa Global Innovation Index (GII) kung saan pang-54 na ito sa 129 mga bansa, ayon kay Albay Rep. Joey Salceda, may-akda ng batas sa Kamara.

Gagabayan ng batas ang pagpasok ng Pilipinas sa ‘international space community. Isa ito sa mga prayoridad ng pamahalaan upang mapangalagaan ang seguridad at  integridad ng pambansang teritor­yo. Nililikha nito ang ‘Philippine Space Development and Utilization Policy’ tungo sa higit na kakayahan sa pangkalawakang mga gawain. Nililikha din nito ang Philippine Space Agency (PhilSA).

Pinuna ni Salceda na bahagi na ‘space techno­logy’ ng pang-araw-araw na mga gawain na hindi matutupad kung wala ang mga ‘space systems’ gaya ng ‘satellites’ para sa komunikasiyon, ‘navigation, defense and security, environmental monitoring and disaster assessment.’

SPACE AGENCY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with