^

Bansa

Krisis sa tubig titindi pa

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Krisis sa tubig titindi pa
Mula ngayong Sabado, ang Maynilad Water ay magpapatupad ng mas mahabang rotational water service interruption sa 75% ng sineserbisyuhan nito ng tubig dahil sa desis­yon ng National Water Resources Board (NWRB) na bawasan ang raw water allocation sa mga concessionaire.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Posibleng lumala pa ang dinaranas na krisis sa tubig sa Metro Manila at kalapit na mga lalawigan dahil sa patuloy na pagbaba ng water level ng Angat dam.

Mula ngayong Sabado, ang Maynilad Water ay magpapatupad ng mas mahabang rotational water service interruption sa 75% ng sineserbisyuhan nito ng tubig dahil sa desis­yon ng National Water Resources Board (NWRB) na bawasan ang raw water allocation sa mga concessionaire.

Ang Manila Water naman, ayon kay Dittie Galang, communications Manager ng Manila Water Company ay magpapatupad ng rotational water service  interruption ng may 12 hanggang 17 oras mula alas-12 ng hatinggabi.

Kahapon, sa tala ng PAGASA dam monitoring department ay umaabot na sa 160.28 meters ang water level sa Angat dam mula sa 160.73 meters noong Huwebes.

Ayon sa NWRB, kailangang magsagawa ng pagrarasyon ng tubig ang Maynilad at Manila Water oras na pumalo sa 160-meter critical level ang level ng tubig sa Angat.

“Dahil sa muling pagbawas sa alokasyon ng tubig mula sa Angat dam, ang Maynilad ho ay patuloy na magsasagawa ng rotational water service interruptions sa buong area na nasasakupan ng Maynilad. Kailangan po natin ‘tong isagawa upang masiguro po na ang lahat po ay magkakaroon ng tubig,” pahayag naman  ni Maynilad media relations officer Grace Laxa.

Anya, may 20 percent naman ng kanilang consumers ay “severely affected” na rin sa kakulangan ng tubig dahil sa matataas ang kanilang lugar at sobrang layo sa  pumping stations ng Maynilad.

Handa naman ang Maynilad na maglaan ng tubig sa mga apektado ng pagkawala ng suplay sa pamamagitan ng 40 water tankers na naka-standby ngayon.

vuukle comment

ANGAT DAM

MAYNILAD WATER

WATER CRISIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with