^

Bansa

Alok ng Canada na hakutin ang basura sa Hunyo 30 tinanggihan ng Palasyo

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Alok ng Canada na hakutin ang basura sa Hunyo 30 tinanggihan ng Palasyo
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi na makakapaghintay si Pangulong Duterte sa katapusan ng June bago mahakot pabalik ng Canada ang itinambak nitong tone-toneladang basura.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Tinanggihan ng Malacañang ang alok ng Canada na sila na ang mag-uuwi ng kanilang basura sa katapusan ng Hunyo.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi na makakapaghintay si Pangulong Duterte sa katapusan ng June bago mahakot pabalik ng Canada ang itinambak nitong tone-toneladang basura.

Magugunita na kamakalawa ay iniutos ng Pangulo ang pagha­hanap ng private shipping company upang ibalik sa Ottawa ang nasabing basura at ang gobyerno na lamang ang gagastos para rito matapos mabigo ang Canada na hakutin ito sa itinakdang May 15 deadline.

Nagpahayag kahapon ang Canadian government na sila na lamang ang kukuha ng basura pero baka raw abutin pa ng katapusan ng June.

Nagbanta pa ang Pangulo na kapag hindi tinanggap ng Canada ang kanilang basura ay itatapon ito sa kanilang karagatan malapit sa beaches ng mga ito.

vuukle comment

CANADA TRASH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with