^

Bansa

Pinoy may 'sexiest accent' sa Asya — travel site

James Relativo - Philstar.com
Pinoy may 'sexiest accent' sa Asya � travel site
Matapos i-survey ang kanilang readers, sinabi ng Big 7 Travel na ika-21 ang mga Pilipino sa may pinaka-nakaaakit na paraan ng pagsasalita.
The STAR/Edd Gumban, File photo

MANILA, Philippines — Kabilang ang Pilipinas sa listahan ng "Top 50 Sexiest Accents in the World," ayon sa isang travel website.

Matapos i-survey ang kanilang readers, sinabi ng Big 7 Travel na ika-21 ang mga Pilipino sa may pinaka-nakaaakit na paraan ng pagsasalita.

Ito ang pinakamataas na nakuha ng anumang bansa mula sa kontinente ng Asya.

"Gentle and soft, the accents you’ll hear when in the Philippines are simply lovely," pagsasalarawan ng site.

Nanguna ang accent ng mga Kiwi, o yaong mga nakatira sa New Zealand, bilang may pinaka-sexy na accent.

Sinundan naman sila ng mga taga-South Africa, Ireland, Italyano at Australiano.

Ang mga Pranses naman, na sinasabing nagsasalita ng "language of love," ay ika-pito lamang sa listahan.

Pananalita sa Pilipinas

Depende kung ano ang sanggunian at pamantayan, iba't iba ang bilang na iniuulat na wika't dayalekto ng Pilipinas.

Kung pagbabatayan ang "Atlas Filipinas" ng Komisyon sa Wikang Filipino, tinatayang nasa 134 ang wika sa bansa.

Nasa 183 naman ito kung pagbabasehan ang tala ng Ethnologue, na pinangangasiwaan ng SIL International

Dalawa sa mga wika sa Pilipinas ang itinuturing nang patay o "extinct."

Mahigit-kumulang 7,111 ang wika sa daigdig, na may kanya-kanyang accent o pamamaraan ng pagbigkas ng mga kataga.

vuukle comment

ACCENT

LANGUAGE

PHILIPPINES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with