^

Bansa

3 warships ng China dumating

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
3 warships ng China dumating
Ang tatlong barko na bahagi ng Chinese Naval Task Group ay kinabibilangan ng Type -054A guided missle frigates Wu Hu (Hull 539), Han Dan (Hull 579) at Replenishment Ship Dong Ping Hu (Hull 960).
Edd Gumban

MANILA, Philippines – Dumating na kahapon ang tatlong barkong pandigma ng People’s Liberation Army (PLA) Navy ng China para sa apat na araw na ‘goodwill visit” sa bansa.

Ayon kay Philippine Navy Captain Jonathan Zata, ang pagbisita ng mga warship ng China ay naglalayong mapatatag pa ang ugnayang militar ng Pilipinas at ng nasabing bansa.

Bandang alas-10 ng umaga ng dumaong ang tatlong warship sa Pier 15 ng Manila South Harbor na mananatili sa bansa hanggang Enero 21, 2019.

Ang tatlong barko na bahagi ng Chinese Naval Task Group ay kinabibilangan ng Type -054A guided missle frigates Wu Hu (Hull 539), Han Dan (Hull 579) at Replenishment Ship Dong Ping Hu (Hull 960).

Ito ang ikalawang pagbisita ng PLA Navy kung saan ang una ay noong Abril 30, 2017 sa Sasa Wharf sa Davao City.  

vuukle comment

CHINESE NAVY

PHILIPPINE NAVY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with