^

Bansa

‘Life’ sa 4 HK nationals

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
�Life� sa 4 HK nationals
Ang mga akusado ay napatunayang guilty sa posesyon ng 470 gramo ng shabu, hydrogenerator na gamit sa paggawa ng shabu.

MANILA, Philippines — Apat na Chinese nationals na unang naaresto sa sinalakay na “floating shabu laboratory” sa loob ng isang barko sa Subic Bay noong Hulyo, 2016 ang hinatulan ng habambuhay na pagkabilanggo ng Olongapo Regional Trial Court Branch 74.

Bukod sa life imprisonment, inatasan din ng Department of Justice (DOJ) na magbayad ng tig-P5 milyon sa civil liability ang mga akusadong sina Shu Fook Leung, Kwok Tung Chan, Wing Fai Lo, at Kam Wah Kwok, pawang che­mist at Chinese nationals mula sa Hong Kong.

Ang mga akusado ay napatunayang guilty sa posesyon ng 470 gramo ng shabu, hydrogenerator na gamit sa paggawa ng shabu.

Gayunman, idinismis ng korte ang kasong pagmamanupaktura ng iligal na droga dahil sa kakulangan ng sapat na ebidensiya.

Nabatid na ang mga akusado ay inaresto noong Hulyo 11, 2016 ng mga tauhan ng  PNP-Anti Illegal Drugs Unit, Philippine Coast Guard, Bureau of Immigration at Bureau of Customs sa isang barko sa Subic Bay.

vuukle comment

DEPARTMENT OF JUSTICE

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with