^

Bansa

Hatol sa ‘Maguindanao massacre’ inaabangan

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Hatol sa �Maguindanao  massacre� inaabangan
Ayon kay Mangudadatu, nasabi na ni Pangulong Duterte na nais niyang maibaba ang hatol laban sa mga suspek sa massacre ngayong taon at masampahan ng kaso.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Umaasa si 2nd district Maguindanao Rep. Zajid Mangudadatu na mahahatulan ang mga suspek sa Maguindanao massacre bago matapos ang termino ni Pa­ngulong Duterte para mabigyan ng hustisya ang kanilang pamilya at mga biktima ng malagim na massacre.

Ayon kay Mangudadatu, nasabi na ni Pangulong Duterte na nais niyang maibaba ang hatol laban sa mga suspek sa massacre ngayong taon at masampahan ng kaso.

Para sa kongresista, na pinangunahan ang pag-alala sa mga mahal sa buhay na naging biktima ng pagpatay ng mga armadong lalaki na pinangungunahan ng suspek na si dating Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr., kahit siyam na taon na ang nakakalipas matapos ang malagim na trahedya ay nanatili pa rin ang sakit sa kanilang pamilya hanggang hindi nila nakakamit ang hustisya.

Naniniwala si Mangudadatu na sa tulong na lang ni Pangulong Duterte kaya mananaig ang nararapat na hustisya sa ating bansa.

Matatandaan na noong Nob. 23, 2009 naganap ang pagmasaker sa Barangay Salman sa bayan ng Ampatuan, Maguindanao, kung saan nasawi ang may 58 katao kabilang ang mga mamamahayag na magko-cover ng paghahain ng Certificate of Candidacy ni Gov. Ismael Mangudadatu.

Kabilang sa mga nasawi ang asawa ni Gov. Mangudadatu na si Genalyn, kapatid ni Congressman Mangudadatu at iba pang mga kamag-anak.

vuukle comment

MAGUINDANAO MASSACRE

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with