^

Bansa

Adjusted mall hours simula na bukas

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Adjusted mall hours simula na bukas
Mula sa ?Lunes, Nov. 5, alas-11 na ng umaga ang oras nang pagbubukas ng mga shopping mall, isang oras na mas late kaysa sa alas-10:00 ng umaga na normal na pagbubukas.
File

MANILA, Philippines — Sisimulan na bukas ang pagpapatupad ng “adjusted mall hours” sa mga shopping mall sa Metro Manila bilang paghahanda sa inaasahang pagsisikip ng daloy ng trapiko ngayong papalapit na ang holiday season.

Mula sa ?Lunes, Nov. 5, alas-11 na ng umaga ang oras nang pagbubukas ng mga shopping mall, isang oras na mas late kaysa sa alas-10:00 ng umaga na normal na pagbubukas.

Ang “adjusted mall hours” ay hanggang ?Enero 14, 2019 at sakop nito ang 15 shopping malls sa EDSA, Commonwealth, C5 at Marcos Highway.

Nilinaw naman ng MMDA na ang oras nang pagsasara ay depende na sa pasya ng mall owners at operators.

Umaasa rin ang MMDA na makikipagtulungan ang mga shopping malls sa pinatutupad na “adjusted mall hours”.

Kasama rito ang pagbabawal sa “sale” tuwing weekend dahil kadalasan ay dinadagsa ito ng maraming tao na nagiging sanhi ng matinding trapik sa mga pangunahing lansangan ng Metro Manila.

vuukle comment

MALL HOURS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with