^

Bansa

‘SK Federation, isang non partisan’

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
âSK Federation, isang non partisanâ
Matapos ang panu­numpa kay Manila Ma­yor Joseph Estrada, si­na­bi ni Tan kasama ang bagong halal na SK chair­man at council na hindi sila papadikta sa sinumang pulitiko upang paboran ang mga pansariling interes.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Sangguni­ang Kabataan (SK) Federation President Daniel Dave Tan na “non partisan” sila at nakatuon ang kanilang mga proyekto  para sa mga kabataan.

Matapos ang panu­numpa kay Manila Ma­yor Joseph Estrada, si­na­bi ni Tan kasama ang bagong halal na SK chair­man at council na hindi sila papadikta sa sinumang pulitiko upang paboran ang mga pansariling interes.

Ayon kay Tan, magi­ging katuwang sila ng city government sa lahat ng kanilang mga programa lalo na para sa mga kabataan. Aniya, pangu­nahing layunin ng SK Federation na maiiwas ang mga kabataan sa  iligal na droga at sa halip ay matulungan ang mga ito na makapagtapos ng kanilang pag aaral.

Kailangan umano na maipaliwanag sa mga kabataan na hindi hadlang ang kahirapan upang magtagumpay at hindi solusyon ang pagdodroga.

Sa mensahe ni Estra­da, umaasa siyang magi-ging maayos at modelo sa mga kabataan ang mga bagong halal na SK offi­cials dahil naniniwala siya na ang mga kabataan ay ang pag-asa ng bayan. Nagpaalala din siya na  dapat gampanan ng mga SK officials ang kanilang mga tungkulin nang maa-yos at naayon sa batas. Hindi umano sila dapat na magpagamit upang paboran ang interes ng iilan.

DANIEL DAVE TAN

SANGGUNI­ANG KABATAAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with