^

Bansa

SolGen pinagkokomento ng SC sa apela ni Sereno

Doris Borja - Pilipino Star Ngayon
SolGen pinagkokomento ng SC sa apela ni Sereno
Limang araw na non-extendible o hindi na maaring palawigin ang ibinigay ng Korte Suprema sa Solicitor General para sumagot sa apela ng dating punong mahistrado.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Inutusan ng Korte Suprema si Solicitor General Jose Calida na magkomento sa motion for reconsideration na inihain ni dating SC Chief Justice Maria Lourdes Sereno kaugnay ng pagkakatalsik niya sa puwesto. 

Limang araw na non-extendible o hindi na maaring palawigin ang ibinigay ng Korte Suprema sa Solicitor General para sumagot sa apela ng dating punong mahistrado.

Bagamat natalakay sa pagbabalik ng en banc session ng SC ang apela ni Sereno, hindi napagbotohan ng mga mahistrado ang kanyang MR na humihiling na baligtarin ang pagpabor ng Hukuman sa quo warranto petition laban sa kanya.

Nabatid na wala rin si Associate Justice Noel Tijam sa en banc session kahapon.

Si Tijam ang nagponente sa desisyon na nagdedeklarang disqualified si Sereno para patuloy na manungkulan bilang punong mahistrado dahil sa isyu ng integridad nang mabigo si Sereno na maghain ng 11 Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) noong siya ay nagtuturo pa sa University of the Philippines College of Law.

Samantala, salig sa itinatakda ng Section 7, Rule 56 ng Rules of Court, mangangailangan pa si Sereno ng dalawang boto para mabaligtad ang desisyon ng SC.

Kapag humantong kasi sa tie-vote ang botohan sa mga iniapelang kaso, mananaig ang naunang desis­yon ng korte na nagpatalsik kay Sereno sa pwesto.

vuukle comment

SOLICITOR GENERAL JOSE CALIDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with