^

Bansa

Kelot dedo sa 3 kapitbahay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Utas ang isang 53-anyos na lalaki nang saksakin at bugbugin ng tatlong kapitbahay sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot nang buhay sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang biktimang si Noel Mandahuyan,  residente ng Temporary Housing, Aroma Compound, sa Tondo, sanhi ng tinamong mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Bigo namang makatakas ang pangunahing suspek na si Raul Navarro, 30, garbage collector, habang pinaghahanap pa ang dalawa na kinilalang sina Megan Duran, kinakasama ng suspek at kapatid nitong si Jeffrey Duran, 24, basurero pawang residente rin ng lugar.

Sa ulat ni PO2 Jonathan Ruiz ng Manila Police District-Homicide Section, dakong  alas-6:30 ng gabi nang maganap ang insi­dente sa ikalawang palapag ng Building 29, Aroma Compound, Tondo habang may binibili umano si Navarro at ang live-in partner na si Megan sa sari-sari store nang sumugod at komprontahin ng biktima sa di pa batid na dahilan hanggang sa nagsuntukan ang mga ito.

Nang mamataan ni Jeffrey ang kaguluhan ay lumapit at nakisali pa sa pambubugbog sa biktima. Dawit din sa krimen si Me­gan na sa halip umanong umawat lang ay sinampal at sinuntok pa ang biktima habang pinagtutulungan ng dalawang saksakin.

Umuwi umano ang mga suspek sa bahay bago tumakas subalit nadakip sa follow-up operation si Na­varro.

vuukle comment

BUGBUGIN

SAKSAKIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with