^

Bansa

MRT may free ride sa Labor Day

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng pamunuan ng  Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na magbibigay sila ng free ride sa Mayo 1 bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-116 anibersayo ng  Araw ng Paggawa sa bansa.

Ang libreng sakay sa mga manggagawang Pinoy ay ipatutupad batay na rin sa kahili­ngan ng Department of Labor (DOLE).

Pasisimulan ang libreng sakay ng alas-7:00 ng umaga hanggang 9:00 ng umaga at mula 5:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi sa Mayo 1.

Kinakailangan lamang umanong magprisinta na company identification cards ng mga manggagawa mula sa private at public sector upang maka-avail ng libreng sakay.

Ang MRT-3 ay bumibiyahe sa kahabaan ng Epifanio delos Santos Avenue (EDSA) mula sa Taft Ave­nue,  Pasay City hanggang North Avenue, Quezon City at vice versa.

vuukle comment

DEPARTMENT OF LABOR

METRO RAIL TRANSIT LINE 3

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with