^

Bansa

Dagdag presyo sa petrolyo nakaamba

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matapos magpatikim ng maliit na rolbak noong nakaraang linggo, muling magtataas ng presyo sa petrolyo ang mga kumpanya ng langis ngayong papasok na linggo.

Sa pagtataya ng mga eksperto, tinata­yang mag­lalaro mula P.60 hanggang P.70 kada litro ang itataas sa presyo ng diesel habang nasa P.30 hanggang P.40 sentimos naman kada litro ang maaa­ring itaas sa gasolina.

Hindi rin ligtas ang kerosene o gaas na itataas naman ang presyo mula P.80 hanggang P.90 kada litro.

Inaasahan na ipatutupad ang paggalaw sa presyo ng petrolyo sa darating na Martes ng umaga ngunit maaari pang mabago ang mga presyo depende sa merkado sa cut-off tuwing Lunes ng gabi.

Noong nakaraang linggo, nagtapyas ng maliit na P.40 sentimos sa kada litro ng gasolina at P.30 sa diesel ang mga kumpanya ng langis.

Inaasahan naman na magpapatuloy ang pagtaas sa presyo ng petrolyo dahil sa dikta ng internasyunal na merkado.

Dulot ito ng paniba­gong giyera sa Syria at paglimita ng OPEC cartel at Russia sa produksyon ng langis.

vuukle comment

DAGDAG PRESYO

PETROLYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with