^

Bansa

Mas malaking plaka ng motorsiklo aprub

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Mas malaking plaka ng motorsiklo aprub
Layon ng panukala na nakalusot na sa House committees on Transportation at Public Order and Safety na mabawasan ang tinatawag na motorcycle crime o krimen kung saan motorsiklo ang ginagamit na behikulo ng mga salarin.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Inaprubahan na ng dalawang komite ang paggamit ng mas mala­king plaka at pang identifying marks sa mga motorsiklo.

Layon ng panukala na nakalusot na sa House committees on Transportation at Public Order and Safety na mabawasan ang tinatawag na motorcycle crime o krimen kung saan motorsiklo ang ginagamit na behikulo ng mga salarin.

Sa ilalim din ng panukala, binibigyan ng otorisasyon ang Land Transportation Office para itakda ang size ng plaka ng motorsiklo basta kailangang mababasa ito sa minimun distance na 12 metro.

Sinabi naman ni House Public Order and Safety Committe chairman, Romeo Acop na inaasahan na nilang magiging deterrent ito sa motorcycle crime dahil mas magiging madali ang pagtukoy sa motorsiklo na gamit sa krimen.

Nakasaad din sa panukala na kung ang isang kriminal ay gagamit ng isang impounded na motorsiklo, maximum penalty ng krimeng ginawa nito ang ipapataw ng hukuman.

vuukle comment

MOTORSIKLO

PLAKA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with