^

Bansa

2 kelot kinidnap, 1 nakatakas

Jonie Capalaran - Pilipino Star Ngayon

SAMAL, Bataan, Philippines — Puwersahang tinangay ng hindi kilalang mga suspek ang dalawang lalaki habang nakatakas naman ang isa habang nakaparada sa Sitio Sto. Nino Barangay Sapa, bayang ito kamakalawa ng madaling araw.

Ang mga biktima ay kinilala ni Bataan Police Director Sr. Supt. Marcelo Dayag na sina Rodrigo Yuzon, 60 anyos, may-asawa, tricycle driver at Darrel Lago alyas Itim, 16, walang trabaho habang nakatakas naman si Rommel dela Cruz, 22, construction worker ng Brgy. Wawa Abucay.

Sa salaysay ni dela Cruz sa Samal Police, dakong ala-1:30 ng madaling araw, kinontrata ni Lago alyas Itim si Yuzon na mayroon silang susunduin na isang babae sa Sitio Sto. Nino Brgy. Sapa. Habang sila ay nakaparada sa daan dakong alas-2:10, may bumabang apat na lalaki na nakasakay sa isang itim na kotseng Sedan na nakasuot ng bonnet at lumapit sa kanila saka sapilitan silang isinakay. 

Natangay ng mga suspek sina Yuzon at Lago at dinala sa hindi  malamang direksyon samantalang nakatakbo si dela Cruz na siyang nag-report sa pamilya nina Yuzon at Lago ang pangyayari dakong alas-4:00 ng madaling araw.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with