^

Bansa

P.5-M pabuya vs killer ng magsyota

Jonie Capalaran - Pilipino Star Ngayon

BATAAN, Philippines — Tinatayang aabot sa P.5 milyong pabuya ang ini­laan ni Bataan Gover­nor Albert Garcia sa sinumang makapagtuturo sa suspek sa pagpatay sa magkasintahan na namamasyal lamang sa Wetland Resort sa Barangay Tortugas sa Balanga City, Bataan noong Sabado ng hapon.

Nabatid na nairita si Governor Garcia na brutal na pagpatay sa magsyota at hindi nito palalagpasin ang ganitong krimen na sinasa­bing durugista ang mga suspek.

Base sa tala ng pulisya, brutal na pinatay ang magsyotang sina James Karl Valencia Guzman, 19, ng Wawa Abucay; at Glory Mae Arbonel, 22, ng Ala-Uli Pilar at kapwa nagtatrabaho sa kilalang fastfood chain sa nasabing lungsod.

Sinasabing nanlaban si James Karl pero pinalo ito ng sagwan sa batok kaya nawalan ng ulirat habang pinilahan naman ng mga suspek si Glory Mae sa bangka saka pinatay.

Ayon pa sa ulat, itinapon na lang ang da­lawa sa malalim na bahagi ng karagatan kung saan kinabuka­san nakita ng mga mangi­ngisda ang bangkay ni Karl na palutang-lutang sa bahagi ng Camachille Orion.

Samantala, ang mga labi naman ni Glory ay natagpuan sa bahagi ng karagatan ng Bay Park Tortugas.

Kaugnay nito, pina­lawak pa ni Bataan Police Director P/Senior Supt. Benjamin Silo Jr. ang imbestigas­yon na may mga natukoy na silang suspek na pansamantalang hindi isiniwalat ang pagkakakilanlan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with