^

Bansa

‘Digong Orchid’ mula Singapore bagong atraksiyon sa Luneta

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Bubuhayin ng National Parks and Development Committee (NPDC) ang nagsarang ‘Orchidarium’ sa bansa na itatayo sa loob ng Luneta, mula sa  dating nasa Nayong Pilipino sa Parañaque at gagawing isa sa tourist attraction ang ‘Dendrobium Rodrigo Roa Duterte,’ variety ng orchid na ibinigay ng Singapore government.

Anumang oras ay darating sa bansa mula sa Singapore ang tinaguriang “Digong Orchid” na ipinangalan kay Pangulong Duterte nang siya ay bumisita sa Singapore Botanic Gardens  noong nakalipas na taon sa ‘orchid naming event’.

Naging tradisyon sa Singapore na ipangalan ang variety ng unique orchid sa mga bumibisitang head of state na sa kasalukuyan ay nasa 180 na simula pa noong 1957, kung saan ipinangalan umano sa maybahay ng isang mataas na commissioner ng London ang isang variety.

Kasabay ng pagbubukas ng ‘Orchidarium’ sa Rizal Park na matatagpuan sa tabi ng estatwa ni Lapu-lapu, inaanyayahan ni NPDC excutive director Penelope Belmonte ang publiko na panoorin din ang pamumukadkad ng ‘Digong Orchid’ sa Mayo 14, 2017 na kabilang sa collection ng iba pang uri ng orchids.

vuukle comment

NPDC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with