Senate probe kay De Lima tuloy na
MANILA, Philippines - Tuloy na ang imbestigasyon ng Senate committee on ethics laban kay Senator Leila de Lima matapos mapagdesisyunan kahapon ng komite na sapat ang “form at substance” ng reklamo na inihain laban sa kanya ng House of Representatives.
Ang reklamo ay kaugnay sa ginawang pagpigil ni de Lima sa kanyang dating driver at nobyong si Ronnie Dayan na dumalo sa pagdinig ng House of Representatives kaugnay sa diumano’y pamamayagpag ng ilegal na droga sa National Bilibid Prison.
Magpapalabas ng isang resolusyon ang komite at bibigyan ng kopya si de Lima upang pasagutin sa loob ng 15 araw.
- Latest