^

Bansa

Katiwala sa poultry farm, nilikida

Rho­derick Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO – Pinaniniwalaang selos ang isa sa motibo kaya pinatay ang 33-anyos na katiwala sa poultry farm matapos itong saksakin ng kasamahang lalaki sa Barangay Conel sa Gene­ral Santos City, South Cotabato kamaka­lawa ng gabi.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, ang pagkakapatay sa biktimang si Ronelo Dela Cruz ay natagpuan sa loob ng kubo bandang alas-4 ng madaling araw.

Nabatid na nagdiwang pa ng kanyang birthday ang biktima noong nakalipas na gabi kung saan nakipag-inuman pa ito sa ilang kalalakihan.

Ayon sa ulat ng pulisya, sinasabing pinagselosan ng suspek na si Jeffrey Verano ang biktima dahil sa pagiging malapit nito sa kanyang girlfriend na si Rose.

Ayon sa ilang nakasaksi, namataan sina Rose at Jeffrey na nagmamadaling umalis mula sa nasabing lugar bago natagpuan ang bangkay ng biktima.

Napag-alamang tumakas si Verano patu­ngong Davao City.

vuukle comment

DAVAO MISHAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with