^

Bansa

Midnight reso sa DOJ, inupakan

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kinondena kahapon ng isang grupo ang Department of Justice (DOJ) dahil umano sa pagmani­obra sa mga resolusyon at desisyon sa mga kasong hawak nito bago maupo si President-elect Rodrigo Duterte bilang pangulo ng bansa.

Sinabi ng anti-corruption group na Filipino Alliance for Transparency and Empowerment (FATE), ang mga opisyal ng DOJ ay naghahanda nang ilabas ang midnight resolutions bago opisyal na manungkulan si  Duterte.

Sinabi ng FATE, nakatanggap sila ng impormas­yon kaugnay sa umano’y pakikialam ni  Justice Sec. Emmanuel Caparas sa pamamagitan ng pagsusulat nitong muli, mula sa orihinal at pagbabago at pagbaliktad nito sa mga desisyon ng mga kasong hawak ng DOJ upang pa­boran ang partidong may kinalaman sa kaso.

“Ilang linggo bago opis­yal na maupo si Pre­sident-elect Duterte sa kanyang tungkulin bilang pinakamataas na lider ng bansa, si Caparas ay nagkukumahog na upang baguhin ang mga nauna ng resolusyon. Mariin na­mang tinututulan ang gawaing ito,” ayon kay Jo Perez ng FATE.

Sinabi pa ni Perez na kabilang din sa impormas­yong nakalap nila ang puwersahang pag-uutos umano ni Caparas sa lahat ng mga prosecutors na magbakasyon habang minamaniobra ang mga desisyon kabilang na ang pagbabago ng petsa ng mga ito.

May utos din umano ang DOJ chief sa kanyang mga undersecretaries at mga prosecutors na huwag magpalabas ng desisyon simula ng Hunyo 3 pero nagdesisyon din umano si Caparas na baguhin ang mga resolusyon na siya rin mismo ang personal na nagsulat.

Kabilang umano sa kaso na pilit binabago ang resolusyon ay ang rekla­mong  qualified theft through falsification of commercial documents na isinampa laban kay  businessman Mikee Romero kaugnay na rin ng sigalot sa  Harbour Centre Port Terminal Inc. (HCPTI).

vuukle comment

FORD PHILIPPINES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with