^

Bansa

Partido ni Erap suportado si Binay

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Iniatras na ni Puwer­sa ng Masang Pilipino standard-bearer Romel Mendoza ang kanyang kandidatura at sa halip ay ipinasya niyang suportahan si Vice President Jejomar Binay sa halalang pampanguluhan sa Mayo 2016.

Ayon kay Mendoza na pangkalahatang kalihim din ng multi-sectoral group na Kalipunan ng Masang Pilipino na kaalyado ng PMP, susuportahan ng Kampil si Binay na siyang standard bearer ng United Nationalist Alliance.

Ipinaliwanag ni Mendoza na hindi niya makakayang magsagawa ng kampanya sa buong bansa para sa halalang pampanguluhan.

Sa pagkaalis ni Mendoza, anim na lang ang nalalabing kandidatong presidente sa pambansang halalan na sina Binay, Liberal Party standard-bearer Manuel Roxas II, Senators Grace Poe at Miriam Defensor-Santiago, Davao City Mayor Rodrigo Duterte at OFW Family party-list Rep. Roy Señeres.

Ang tagapagtatag ng PMP na si Manila Mayor Joseph Estrada ay nagpahayag na tinatanggap niya ang pag-atras ni Mendoza. Hindi pa inihahayag ni Estrada ang kandidatong presidente ng kanilang grupo.

Matatandaang isinampa noon ni Mendoza ang kanyang kandidatura sa pagka-pangulo sa ilalim ng PMP para magreserba ng slot para kay Estrada kung sakaling magdesis­yon itong tumakbong presidente.

“Ang Kalipunan ng Masang Pilipino na isang multisectoral organization ay masugid na sumusuporta sa kandidatura ni Vice President Jejomar Binay para sa pagka-presidente dahil sa kanyang adyenda na maka-Pilipino at maka-masa at plataporma de gobyerno,” paliwanag ni Mendoza.

Idinagdag ni Mendoza na merong kakayahan at professional track record si Binay para pamunuan ang bansa.

Nananatiling nangu­nguna si Binay sa mga survey.

“Iniaatras ko ang kan­didatura ko. Opisyal kong pasasabihan ang Comelec para hindi na makalito ang pangalan ko sa opisyal na listahan ng mga kandidato na ililimbag sa balota,” sabi pa ni Mendoza.

Pinasalamatan naman ni Mendoza ang Comelec dahil hindi siya idineklarang nuisance candidate.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANG KALIPUNAN

BINAY

COMELEC

DAVAO CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE

LIBERAL PARTY

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

MASANG PILIPINO

MENDOZA

VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with