^

Mayor Abalos naiyak sa kanyang huling SOCA

Mer Layson (The Philippine Star) - February 1, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Hindi napigilan ni Mandaluyong City Mayor Benjamin Abalos Jr., na maiyak sa kanyang huling State of the City Addres (SOCA) kahapon ng umaga.

Ang SOCA ay ginanap dakong alas-9:00 ng umaga sa gymnasium ng Mandaluyong City na dinaluhan ng buong pamilya  ng alkalde kabilang na ang kanyang asawa, mga anak at kanyang ama na si dating Comelec Chairman Benjamin Abalos Sr., Cong. Boyet Gonzales at lahat ng lokal na opisyal ng lungsod.

Isa-isang pinasalamatan ni Mayor Abalos ang mga taong kanyang nakatuwang para makamit ng lungsod ang tugatog ng tagumpay na kinalalagyan ngayon bilang Business Friendly City ng bansa at Most oustanding Mayor of the Philippines.

Ibinandera rin ng alkalde ang kanilang bagong slogan na Gawa Hindi Salita dahil nakamit ng Mandalayong ang pagiging top City sa bansa.

Naiyak ang alkalde dahil naalala nito ang pagsubok na pinagdaan ng kanyang pamilya hanggang sa makulong ng ilan taon ang kanyang ama at makalaya.

Aniya, habang binabayo sila ng ‘unos’ ng pagsubok sa bahay ay lalo niyang pinagbuti ang paglilingkod bayan at pagpapasigla ng kalakalan at negosyo hanggang makamit ang kinalalagyan ngayon bilang isa sa pinakamaunlad sa lungsod sa bansa.

ANG ANIYA BOYET GONZALES BUSINESS FRIENDLY CITY COMELEC CHAIRMAN BENJAMIN ABALOS SR. GAWA HINDI SALITA MANDALUYONG CITY MANDALUYONG CITY MAYOR BENJAMIN ABALOS JR. MAYOR ABALOS MAYOR OF THE PHILIPPINES STATE OF THE CITY ADDRES
Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with