^

Bansa

Duterte napikon sa political ad ni Mar?

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Napikon nga ba si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa isang bagong political advertisement ni Daang Matuwid presidentiable Mar Roxas?

Sa isang bersyon ng political ad kung saan diniin ni Roxas na “walang drama, trabaho lang,” ay sinabi nitong “hindi ako paawa, hindi ako siga-siga, pero hindi rin ako abusado at hindi ako magnanakaw,” maraming naniwalang natumbok ni Roxas ang “pa-siga-siga” na estilo ni Duterte dahilan para magbunganga umano ang alkalde laban dito.

“Sinasabi niyang hindi siya madrama pero kung hindi siya sira, kumain siya ng kanin sa isang tasa,” patungkol ni Duterte sa isang insidente na nangyari ilang buwan na ang nakakalipas kung saan pinaunlakan ni Roxas ang imbitasyon ng mga empleyado ng isang maliit na istasyon ng radyo na sumalo sa kanilang merienda. Sa isang litrato, nakitang naglalagay ng kanin sa isang tasa si Roxas na binatikos ng kampo ni Duterte.

Kinalaunan ay nabun­yag na ang handa ng mga empleyado ay laswa, isang sabaw na hinahaluan ng kanin, kaya sa tasa o mangkok ito inilalagay.

Ayon naman kay Cavite Rep. Elpidio Barzaga Jr., mukhang bayolente ang reaksyon ng mga kalaban ni Roxas dahil natumbok ng mga ito ang tunay na mensahe ni Roxas kaya maraming botante ang narating nito.

Sa ngayon ay umabot na ng 1.5 milyong views ang “Walang drama, trabaho lang” ad ni Roxas sa Facebook, wala pang isang linggo mula ng inilunsad ito.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

CAVITE REP

DAANG MATUWID

DAVAO CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE

DUTERTE

ELPIDIO BARZAGA JR.

ISANG

MAR ROXAS

ROXAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with