Leni angat sa UP Manila mock polls para VP
MANILA, Philippines – Nanguna si Liberal Party (LP) vice presidential candidate Leni Robredo sa survey na ginawa ng University of the Philippines-Manila kamakailan.
Sa 959 botong nakalap ng “UP Manila Votes: Mock Election 2016”, nakakuha si Robredo ng 25.95 percent o 268 boto, lamang ng 65 boto sa pumangalawang si Sen. Alan Peter Cayetano.
Pangatlo si Bongbong Marcos Jr. na may 190 (19.81 percent) habang pang-apat si Sen. Chiz Escudero na may 142 (14.81 percent).
Nakakuha naman si Sen. Antonio Trillanes IV ng 46 boto habang 21 kay Sen. Gregorio “Gringo” Honasan.
Ang mock poll na ginawa noong Jan. 22 ay pinangunahan ng UP Political Science Society.
Natuwa naman si Robredo sa resulta ng botohan sa UP Manila ngunit inamin niya na marami pang dapat gawin upang maungusan sa survey ang mga katunggali.
Sa huling survey ng Social Weather Stations (SWS) ngayong buwan, tumalon si Robredo mula 3% papuntang 17% pagkatapos ng ilang buwan lamang.
- Latest





















