^

Bansa

Pia nag-courtesy call kay PNoy

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nag-courtesy call kahapon ng umaga si Miss Universe Pia Wurtzbach kay Pangulong Aquino sa Malacañang.

Suot ang kanyang korona at naka-pink and white Filipiniana terno ay humarap si Pia kay Pangulong Aquino na sinasabing naka-dinner nito bago siya sumali sa nasabing international beauty pageant.

Mula sa Malacañang ay dumiretso naman ang Miss Universe sa Kamara.

Sinamahan kahapon si Pia ng kanyang ina na si Paula Shugart at Stella Araneta ng Binibi­ning Pilipinas Charity ng magtungo sa Palasyo. 

Sa media interview, sinabi ni Pia na ang kanyang ideal man ay ‘somebody who is smart and with a good sense of humor”.

Aniya, binati siya ni PNoy sa kanyang pagkapanalo bilang Miss Universe at binati din niya ang Pangulo dahil sa matagumpay na administrasyon nito sa pamumuno sa bansa.

Nang tanungin naman ang reigning Miss Universe kung ano ang kanyang magiging advice sa mga botante sa nalalapit na halalan ay sinagot nitong dapat kilalanin ng mga botante ang mga kandidato kasabay ang pag-asa na ang tamang kandidato ang mananalo sa halalan.

“I hope that we elect the right people because it’s going to shape the country in the next couple of years,” wika pa ni Pia sa Malacañang reporters.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANIYA

ATILDE

MALACA

MISS UNIVERSE

MISS UNIVERSE PIA WURTZBACH

PANGULONG AQUINO

PAULA SHUGART

PILIPINAS CHARITY

STELLA ARANETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with