^

Bansa

Override sa veto ni PNoy sa SSS pension ikinakasa

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Gumagawa na ng hakbang ang mga senador upang baliktarin ang ginawang pag-veto ni Pangulong Aquino sa panukalang dagdagan ng P2,000 ang tinatanggap ng mga pensioner ng Social Security System (SSS).

Nabatid kay Senator Francis “Chiz” Escudero na ipinaiikot na sa Senado ang draft ng isang resolusyon na nagpapahayag ng sentimyento ng Senado na i-override ang ginawang pagharang ng Pangulo sa panukala.

Nilinaw ni Escudero na hindi pa nakukuha ang kinakailangang 16 na lagda ng mga senador bago ito dalhin sa ple­naryo ang resolusyon.

“May pinapaikot po kaming resolusyon na hindi pa nakakakalap ng sapat na pirma. Siguro ‘pag nasagad na namin lahat ng kayang makuhang pirma, du’n na lamang namin siguro ilalabas to be fair to those na hindi pa nabibigyan ng tsansa na ilagay ‘yung pirma nila,” ani Escudero.

Nais muna ni Escudero na makuha ang kinakailangang lagda ng mga senador bago ilabas ang resolusyon.

Binanggit rin nito na dapat magkaroon ng kahalintulad na hakbang sa House of Representatives lalo pa’t doon nagmula ang panukalang batas na naglalayong magpatupad ng karagdagang P2,000 sa pensiyon ng SSS.

Kinakailangang magkahiwalay na pagbotohan sa Senado at House of Representatives ang pag-override sa veto ng Pangulo.

Tiniyak ni Escudero na hindi magiging problema sa Senado ang pagkuha ng quorum bagaman at posibleng maging problema ito sa House of Representatives.

Kinakailangang ma­kakuha ng two-third votes sa dalawang kapulungan.

Kung 16 ang kina­kailangang boto sa Senado, 190 boto naman sa House of Representatives.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BINANGGIT

CHIZ

HOUSE OF REPRESENTATIVES

KINAKAILANGANG

PANGULO

PANGULONG AQUINO

SENADO

SENATOR FRANCIS

SOCIAL SECURITY SYSTEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with